Welcome to my personal site! Have a good day!!

Sunday, October 30, 2011

POEM OF LOVE



"Pag-ibig"
Ni Alex Bordeos

Ang pag-ibig mo ay ang sandigan ko, 
Tanging puso lamang ang puhunan ko.
Ang kasiyahan na siyang hiniling ko, 
Binigay ng maykapal ang isang tulad mo. 

Ikaw ang nag pa-alala kinalimutan kong pintig.
Damdamin kong tuyo, binigyan mo nang dilig.
O aking sinta at aking ginigiliw,
Ang pag-ibig mo ay wag sanang itigil.

Pag kakataon ay aking hihintayin,
Hanggang sa pag tanda ikaw ay aking mamahalin.
Hinding hindi magbabago, ang aking pagtingin,
Pag-ibig na wagas sa iyo lang ibibilin.

Ang mga pangako sa isa't isa'y itago,
Palaging tanggapin ang bawat pag-suyo.
Poblema man ay dumating, huwag tangkaing sumuko.
Sapagkat 'di ko kakayanin na ikaw ay malayo.










There was an error in this gadget